Itatanong sa'yo ito kapag nakita ka na nakahiga or nakaupo sa sofa o papag na medyo inaantok na at napipikit na o minsan pa nga ay nakapikit ka na at tatapikin ka pa para lang tanungin ka... Ano ang isasagot mo?
A. (Edukado) Mga alas-_____ (Sabihin ang tamang oras na gusto mong gisingin ka)
B. (Pinoy na totoo) Mamaya
C. (Si Tasyo) Pagkapikit ko, gisingin mo na ako, kasi baka bangungutin pa ako....
D. Wala sa mga nasabi ang gusto mong kasagutan... (wala na akong sinabi - comment ka na lang)
Ito'y isang katuwaan lamang.... Ang katotohanang hindi lahat ng katanungan ay makakakuha ng isang matinong kasagutan....
Miyerkules, Enero 15, 2014
Kakain ka?
Ito ang katanungang iyong maririnig mula sa iyong kasama sa bahay kapag nakita kang may hawak na plato at mga kubyertos.... Ano ang isasagot mo?
A. (Edukado) Opo... Nagugutom na po kasi ako....
B. (Pinoy na totoo) Anong ulam?
C. (Si Tasyo) Hindi... Feeling ko parang New Year's Eve ngayon, mag-mamarcha ako diyan sa may kabas habang pinupukpok ng kutsara't tinidor itong plato hangang mabasag... Sa tingin ko mawawala na ang malas nun....
D. Wala sa mga nasabi ang gusto mong kasagutan (Siyempre mag-cocomment ka ngayon... Ikaw pa... hahahaha!)

Aalis ka?
Ito ang karaniwang tanong kapag nakita ka ng magulang, o kamag-anak, o minsan pa ay ng inyong kapit-bahay na nakabihis.... Ano ang isasagot mo?
A. (Edukado) Opo... Papunta po ako sa ______________ (Sasabihin mo kung saan ka talaga pupunta)
B. (Pinoy na totoo) Oo... Diyan lang sa kwan.....
C. (Si Tasyo) Hindi! Hindi! Ito ang bagong dress code dito sa bahay... Wanna join? (may kasama pang pagtaas ng kamay at pag-bend ng knee)
D. Wala sa mga nasabi ang gusto mong sagot... (siyempre di ka papatalo.... ikaw na!)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)